ISANG GININTUANG TUNGKULIN

HIMNO NG PSA

I. Isang samahang itinatag
sa layuning taos at tapat
na sa lipunan ay maihayag
paglilingkod sa lahat at salat

II. Kailanma'y di malilimutan
na ang baya'y mapaglingkuran
sa iisang simulain
na ang mamamaya'y kalingain

III. (Interlude)
Iyan ang tungkuling PSA
na dakila at may dangal
isang butil na hangarin
sinumpaan na dapat tuparin
Sa tugon sa tawag pag kailangan
sagisag naming kailanman
ISANG GININTUANG TUNGKULIN
na dapat pagyamanin